 
|
Tipid at saya hatid ng SkyCable Prepaid
Mula nang inilunsad ng SkyCable ang kanilang prepaid service, patuloy na dumarami ang bilang ng mga subscribers ang higit na nasisiyahan sa mga benepisyong hatid nito. Sa panahon kung saan patuloy din ang pagtaas ng mga bilihin at serbisyo, ang praktikalidad ng SkyCable Prepaid ang siyang pangunahing dahilan kung bakit hindi nag-alinlangan ang mga subscribers sa pagtangkilik ng serbisyong ito mula sa SkyCable.
Si Bebsy Padilla, isang housewife mula sa Sampaloc, Manila, ay dating postpaid subscriber ng isa sa mga cable providers sa Metro Manila. Noong nakaraang Agosto may isang SkyCable agent ang nag-alok ng SkyCable Prepaid sa kanilang lugar Nahikayat siyang mag-subscribe dahil nakita niyang higit na malaki ang kanyang matitipid sa SkyCable Prepaid kumpara sa ibang postpaid cable subscription. Nadagdagan pa ang mga channels na kanilang mapapanood. Kabilang na dito ang Cinema One at mga cartoon channels na kinagigiliwan ng kanyang mga pamangkin na kasama nila sa bahay.
"Natutuwa rin kami dahil napakalinaw ng reception di tulad noon. Madalas pa nga na napuputol o nawawalan ng signal ang dati naming cable," dagdag pa ni Bebsy. Kaya naman madali nilang hinikayat ang kanilang mga kapit-bahay na mag-subscribe na rin sa SkyCable Prepaid.
Bukod sa pagiging isang paraan ng pagre-relax, ang panonood sa cable ay isa ring paraan upang mag-bonding ang mga pamilya at mga magkakasambahay tulad ng matalik na magkaibigang sina Melissa Hilado at Tina Mae Cocoy ng Pasig City. Nagkakilala ang dalawa nang nasa high school pa sila. Ngayon ay naninirahan si Tina sa bahay ni Melissa.
"Noong November 2006 pa nagsimulang mag-subscribe sina Melissa sa SkyCable Prepaid," kuwento ni Tina. "Madalas na wala sa bahay si Melissa dahil busy sya sa kanyang business kaya talagang praktikal ang pag-subscribe sa prepaid dahil wala na siyang aalalahaning monthly bill na kailangang bayaran."
Kapag nasa bahay sina Melissa at Tina ay di nila pinapalampas ang mga pelikula sa HBO at Cinema One. "Bukod doon, nanonood pa rin ako ng mga cartoons paminsan-minsan," natatawang pahayag ni Tina.
Mula sa bonding ng magkaibigan, sa negosyo naman nagagamit ni Myk Amado ng Cubao, Quezon City ang kanyang SkyCable Prepaid subscription. Naging isang theater at concert director sa iba’t ibang produksyon sa Amerika at Guam si Myk sa loob ng mahigit sa anim na taon. Pagbalik niya dito sa Pilipinas ay nagtayo siya ng isang sing-along at comedy bar.
"Kapag tanghali ay marami ang mga kumakain dito at karamihan sa kanila ay mahilig sa sports. Madalas ay naka-tune in kami sa ESPN o di kaya naman ay sa HBO o sa Cinema One. Paborito ko kasi yung mga lumang pelikula sa Rewind ng Cinema One," ayon kay Myk.
Isang SkyCable agent din ang nag-alok kay Myk na mag-subscribe sa SkyCable Prepaid. Agad niyang nagustuhan ang mga praktikal na features nito kaya naman apat na units agad ng prepaid digital box ang kanyang pinakabit. Nagbigay pa siya ng limang referrals para masubukan ang kaibahan ng prepaid subscription.
"Impressed din ako sa linaw ng reception. At saka hindi ako nara-rattle sa monthly bills. Wala na akong inaalala," dagdag pa ni Myk.
Sina Bebsy, Melissa at Myk ay ilan lamang sa mga dumaraming tagapagtangkilik ng SkyCable Prepaid. Malaki na ang kanilang natitipid, nagkakaroon pa sila ng pagkakataong mapanood ang kanilang mga paboritong programa at pelikula mula sa mga channels na sa SkyCable Prepaid lamang makikita tulad ng ANC, Myx, Knowledge Channel, Hero, Animax, AXN, at Lifestyle Network. Sa pamamagitan ng mga natatanging channels na ito, ang SkyCable Prepaid ay tunay na nakapaghahatid ng saya sa abot-kayang halaga.
Ang SkyCable Prepaid ay available lamang sa mga piling lugar sa Metro Manila. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa telepono bilang 631-0000.
|
|
|
|