 
|
Skycable goes prepaid
Ngayon, maaari nang mag-subscribe sa SkyCable sa mas abot-kayang halaga sa pamamagitan ng SkyCable Prepaid.
Inilunsad noong 2006, ang SkyCable Prepaid ay may malinaw na signal kaya’t mas lalong masisiyahan ang buong pamilya sa panonood ng mga programamang hatid lamang ng SkyCable. Bukod dito, wala na ring aalalahaning buwanang bills na dapat bayaran.
Ayon kay Ray Montinola, pinuno ng SkyCable Prepaid Business Unit, ang SkyCable Prepaid ay ang kanilang paraan upang mas marami ang magkaroon ng access sa cable TV sa halagang ayon sa kanilang budget.
Simple at madali lamang ang pag-subscribe sa SkyCable Prepaid. Kailangan munang magbigay ng refundable deposit upang mai-install ang Prepaid Digital Box sa inyong tahanan. Bumili lamang ng prepaid card at i-load ang halaga sa Prepaid Digital Box gamit ang inyong cellphone. Sa loob lamang ng ilang sandali matapos mag-load ay maaari na kayong makapanood ng inyong mga paboritong programa sa cable.
Maaaring pumili sa dalawang uri ng SkyCable Prepaid depende sa inyong budget – ang SkyCable Silver Prepaid at SkyCable Select Prepaid.
Ang SkyCable Silver Prepaid ay may mahigit sa 60 channels kabilang na dito ang HBO, Star Movies, Cinema One, BTV, Star Sports, Solar Sports, ESPN, Cartoon Network, at Nickelodeon. Ang SkyCable Silver Prepaid cards ay mabibili sa halagang P90 para sa tatlong araw, P380 para sa 15 araw, at P636 para sa 30 araw.
Ang SkyCable Select Prepaid naman ay may mga presyong mas magaan sa bulsa. Sa halagang P40 para sa tatlong araw na subscription, pwede nang makapanood ng mga programa sa iba’t ibang channels tulad ng Cinema One, AXN, ANC, BTV, MYX, Knowledge Channel, at Hero TV. Mabibili rin ang prepaid cards sa halagang P180 para sa 15 araw, P300 para sa 30 araw, P500 para sa 60 araw, at P750 para sa 90 araw.
Sa SkyCable Prepaid mas marami na ang makakapanood ng mga programang SkyCable lamang ang mayroon. Klaro ang signal at hindi na kailangang maghintay pa ng mga bills na babayaran. Kay ginhawa at sulit talaga ang mag-subscribe sa SkyCable Prepaid.
May SkyCable Prepaid na sa mga piling lugar sa Pasig, Manila at Quezon City. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tawagan ang Customer Service Hotline sa telepono bilang 631-0000.
Simple at madaling gamitin. I-text lamang ang PIN na makikita sa prepaid card at sa loob lamang ng ilang sandali ay maaari nang makapanood ng mga programa sa SkyCable. Ang SkyCable Prepaid cards ay mabibili sa mga retail outlets at sari-sari stores. Nakatala ang mga accredited retail outlets sa SkySked, Channel 11.
|
|
|
|