HOME
SkyCable SILVER
SkyCable SELECT
Subscribe Now
CONTACT US
PR PREPAID OUTLETSPROMOSWN

 

American Idol stars nasa SkyCable Silver Prepaid cards na

Makibahagi sa painit na painit na tagisan ng talento sa American Idol! Ang reality show na tinuturing ngayong pinakamalaking talent search sa buong mundo ay patuloy na naghahatid ng kasiyahan para sa mga mahilig sa musika. Patuloy ring mabibighani ang mga manonood sa husay at galing na ipinamamalas ng mga kalahok, kabilang na dito ang Filipina singing wonder na si Ramiele Malubay.

Bukod dito, inaabangan ding panoorin ang mga makukulay na komento ng mga judges na siyang nagsisilbing batayan ng pagboto ng mga manonood, at ang elimination night na punong-puno ng suspense at emosyon. Kaya’t huwag palalampasin ang tumitinding talent competition tuwing Miyerkules at Huwebes sa ganap na 6:00, 8:00 at 11:30 ng gabi sa Star World, mapapanood sa SkyCable Channel 48.

At para sa mga masugid na American Idol fans, ang inyong mga paboritong American Idol icons na sina Randy Jackson, Paula Abdul, Simon Cowell at Ryan Seacrest ay nasa SkyCable Silver Prepaid cards na. Ang limited edition prepaid cards na ito ay mabibili lamang sa maiksing panahon simula Marso. Kaya’t mag-load na upang masubaybayan ang nangungunang talent search sa mundo at magkaroon ng pagkakataong makapag-kolekta ng exclusive memorabilia mula sa American Idol.

Ang SkyCable Silver Prepaid ay mabibili sa halagang P90 para sa tatlong araw, at available din sa 15-day at 30-day cards. Ito ay makukuha lamang sa mga piling tindahan sa Metro Manila, Pasig, Quezon City at Mandaluyong. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa Customer Service Hotline sa telepono bilang 631-0000.